Sa kaniyang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan nitong Miyerkules, Pebrero 14, ibinahagi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ang pinakamasayang sandali sa kaniyang buhay ay ang pagsilbihan ang dati at kasalukuyang Marcos na pangulo ng bansa.

Sinabi ito ni Enrile sa gitna ng nangyaring lunch sa Malacañang na pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos para sa kaniyang kaarawan.

“I must tell you that 100 years of living in this world is a fleeting time but it recalls to my mind all the dramas, the sufferings, the challenges, and so many things that happened in my life,” ani Enrile.

“But most of all, the happiest moment of my life was when I served the first presidency of a Marcos President and the second time – now that I’m serving the son of that president, our President Bongbong Marcos,” dagdag pa niya.

THROUGH THE YEARS: Mga pangulo ng Pilipinas na naabutan ni Juan Ponce Enrile

Pinarangalan naman ng pangulo si Enrile para sa kaniya raw naging kontribusyon sa bansa sa loob ng mahabang panahon.

Ipinanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan noong Pebrero 14, 1924.

Sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., unang nagsilbi si Enrile bilang Undersecretary of the Department of Finance noong 1966. Naging kalihim din siya ng Department of Justice mula 1968 hanggang 1970, at kalihim ng National Defense mula 1970 hanggang 1971 at nare-appoint noong 1972.

Samantala, pinangunahan din ni Enrile ang EDSA People Power Revolution noong 1986 na nagpatalsik sa rehimeng Marcos.

Sa kasalukuyan, si Enrile ay nagsisilbi bilang Chief Presidential Legal Counsel ni Marcos Jr.