Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa lotto draw nitong Miyerkules ng gabi.
Ikinatwiran ng PCSO, walang nakahula sa 6-digit winning combination na 44-36-50-42-21-11 na may nakalaang jackpot na ₱56,905,207.20.
Hindi rin tinamaan ang ₱42,156,497.00 jackpot matapos mabigong mahulaan ng mga mananaya ang winning combination na 39-37-29-30-01-07 sa draw ng 6/45 Mega Lotto.
Tiniyak ng PCSO na tataas pa ang tatamaan sa susunod na bola ng naturang lotto games.