Tila nagsisisi ang former Hashtag member na si Nikko Natividad na nakatrabaho niya si Kapamilya actor Enrique Gil.

Sa Instagram post kasi ni Cielo Mae Eusebio nitong Martes, Pebrero 13, binati niya ang kaniyang asawang si Nikko na nagdiriwang ng birthday.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

View this post on Instagram

A post shared by Cielo Mae Eusebio (@_cielovesyou)

Long at sweet naman ang laman ng mensaheng mababasa sa caption ng naturang post ni Cielo. Pero sa picture na ibinahagi niya kung saan kasama niya si Nikko at Enrique, mapapansin halos hindi na makita ang asawa niya.

Sey tuloy ni Nikko: “SANA HINDI KO NALANG NAKAWORK SI ENRIQUE.”

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang pagbating ito ni Cielo kay Nikko. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Bat parang Muntik na makita si @nikkonatividad”

“Buti nalang may nakitang ni isang katiting para makilala ka @nikkonatividad”

“Happy birthday kuya @nikkonatividad buti nasa picture kapa”

“Langya akala ko naman si @enriquegil17 may birthday 😂😂😂 wawa sayo @nikkonatividad 😂”

“Muntik macrop si @nikkonatividad 😂”

“konti nalang makikita na si kuya nikko ahah 🤣”

“Kinawawa mo naman ma’am 😂”

“Muntik mo nang maging birthday nikko 😂😂😂”    

Samantala, sa isang episode ng “Magandang Buhay” nitong Lunes, Pebrero 12, ibinuking ni Nikko ang isang katangian ni Enrique.

MAKI-BALITA: Nikko, ‘nilaglag’ si Enrique: ‘Umaasim din siya’

Nakatakda namang ipalabas ang pelikula nilang “I Am Not Big Bird” sa iba’t ibang bansa sa darating na Valentine’s Day, Pebrero 14.

MAKI-BALITA:  Ihanda ang mga kiffy! ‘Big Bird’ ni Enrique bubuyangyang na