Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng store owner na si Maria Krizzel Salar matapos mag-viral ang kaniyang mga panindang bulaklak at panindang niyog ng tatay niya.

"Nyog libre piga 35, bulaklak 79 ayusin nyo desisyon nyo 🫣hahaahahahaah btw gusto ko lang mag tinda 🤣," caption niya.

Nagkataong napagtabi ang mga panindang niyog at panindang bulaklak para sana sa Valentine's Day.

Mas pinili raw kasi ng mga netizen ang mga niyog dahil mas mura itong di hamak kaysa sa bouquet of flowers na itininda ni Salar; may libreng piga pa!

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Doon tayo sa praktikal hahahaha."

"Buti pa sa niyog may piga, eh kapag bulaklak ba ibinigay, pipigain ka? Awtsss hahaha."

"Nice one sa libreng piga hahaha tapos mura pa."

"Niyog na lang regalo ko sa jowa ko, may BJ (buko juice) pa siya hahaha."

"ganda ah, 'pabili nga po nyog, pakadkad na din po.'"

Hindi naman akalain ni Salar na bebenta sa mga netizen ang litrato.

"Ang masasabi ko lang po ay gusto ko lang naman mag benta ng bulaklak nananahimik yung niyog ng tatay ko e 😂," saad niya sa panayam ng Balita.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!