Makalipas lamang ng limang araw, may nanalo ulit sa Lotto 6/42 at ito ay taga-Quezon City!

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 19-31-11-23-13-17 na may jackpot prize na ₱7,083,788.60.

Anila pa, nabili ang winning ticket sa Quirino Highway, Novaliches sa Quezon City.

Matatandaang noong Pebrero 8 lamang ay naghati ang dalawang lucky winner sa ₱5,940,000 jackpot prize ng naturang lotto game.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maki-Balita: ‘Sunod-sunod!’ 2 lotto bettor maghahati sa jackpot prize ng Lotto 6/42

Matatandaang unang napanalunan ng taga-Quezon ang 6/42 noong Pebrero 1.

Maki-Balita: Unang nanalo sa lotto ngayong Pebrero, taga-Quezon!

Sumunod naman ay nabingwit ito ng taga-Negros Occidental nito lamang Martes, Pebrero 6.

Maki-Balita: Ikalawang lotto winner ngayong Pebrero, taga-Negros Occidental

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.