Bagama’t sinabi niyang maayos sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tumangging magkomento si Vice President Sara Duterte nang tanungin naman siya kung kumusta ang relasyon nila ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa isang media interview sa Malaysia nitong Lunes, Pebrero 12, unang inusisa si Duterte kung kumusta ang relasyon nila ni PBBM matapos ang naging patutsadahan nito at ng kaniyang pamilya.

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’

MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM

MAKI-BALITA: VP Sara, nagsalita ukol sa panawagan ng kapatid na mag-resign na si PBBM

"We have no problem with each other. President Bongbong Marcos and I are doing good. We are okay in terms of our relationship, both personal and work relationship,” saad naman ni Duterte sa naturang panayam.

“Hindi naman nagtanong sa akin si Pangulong Marcos about sa mga sinabi ng aking kapatid at tatay,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: VP Sara sa relasyon nila ni PBBM: ‘We are doing good’

Samantala, nang tangunin naman ang kanilang relasyon ng unang ginang, sagot ng bise presidente: “I have no comment as of this time.”

Matatandaang may ilang pumuna sa tila hindi umano pagpapansinan nina VP Sara at FL Liza sa nangyaring departure honors para kay PBBM papuntang Vietnam.

Bago ito, iginiit kamakailan ng ama ng bise presidente na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

na si FL Liza at ang pinsan ng pangulo na si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod umano ng People’s Initiative (PI) para sa Charter Change (Cha-Cha).