Marami ang nakapansin sa makahulugang tingin ni Kapamilya actor Enrique Gil kay Kapamilya actress Janine Gutierrez sa kaniyang big comeback sa ASAP Natin ‘To noong Linggo, Pebrero 11.

Nag-promote kasi si Enrique ng kanilang pelikulang “I Am Not Big Bird” sa latest episode ng nasabing show. Pero bukod doon, pinainit muna niya ang stage sa pamamagitan ng pagsayaw ng “Teach Me How To Dougie.”

Matapos niyang mag-perform, nagkaroon sila ng encounter ni Janine kasama ang Kapamilya singer na si Erik Santos na co-host ng huli.

Sa tagpong ‘yon, tila hindi napigilan ni Enrique na humanga kay Janine na namumukadkad ang taglay na ganda at alindog sa suot nitong red dress. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagama’t hindi malinaw na maririnig, may nag-assume na ganito ang sinabi ni Enrique sa aktres: “You're so gorgeous, grabe.”

“Ohh! Thank you,” sagot naman ni Janine

Kumakalat ang clip nito sa X.

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing interaction ng dalawa sa ASAP. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ayy bet ang Enrique x Janine project ❤️”

“Enrique and Janine in one frame pls 🥰”

“Wait… may chemistry si Enrique at Janine 😏 #WeHeartASAP”

“Enrique finds Janine gorgeous. In fairness, they also have chemistry.”

“First time seeing Enrique and Janine beside each other onscreen and brooo they look beautiful together??!! 🙈 the way he looked at her while she was kinda shy haha it was cute 🥰 hoping for a project together!! 🤞”

“hoyyyy nakakakilig iyong interaction ni Janine at Enrique dito omygoodness parang kinikilig si Janine 😅 #EnriqueGil”

“Grabe din titig ni Enrique kay Janine haha”

“My God bakit kinikilig a ko kay Enrique at Janine nagandahan siguro si Quen kay Janine kaya napa thank you si Janine.”

“Pustahan magiging mag jowa si Enrique Gil at Janine  Gutierrez…grabe ang tingin ni ken kay Janine ha”

Ano kaya ang masasabi ng partner ni Enrique na si Liza Soberano kung sakaling mabasa nito ang reaksiyon ng mga netizen?

Matatandaan kasing kamakailan lang ay nagbigay si Enrique ng latest update tungkol sa relasyon nila ni Liza.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, muling nagsalita sa ‘break up issue’ nila ni Liza

Samantala, bagama’t hindi pa kinukumpirma nina Janine at Paulo Avelino ang real score nilang dalawa, matatandaang inamin ng una sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ng huli.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino