‘Sabi nila, love wins. So, lotto date sa Valentine’s Day, G? 🥰🤑’

Ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang treat para sa mga mag-asawa o magjowang tataya sa lotto sa Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 12, inanunsyo ng PCSO na mamimigay sila ng free ₱100 major draw tickets sa unang 100 couples na tataya ng minimum na ₱20 worth of 4D tickets (₱10 kada isa) sa kanilang main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

“MAGING MILYONARYO SA ARAW NG MGA PUSO,” anang PCSO sa kanilang post.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Mga MAGJOWA o MAGKASINTAHAN at MAG-ASAWA, ngayong February 14, sugod na sa PCSO Games Online Hub sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City, at sabay na maglaro at magkaroon ng tsansang manalo,” dagdag nito.

Padedetalye ng PCSO, ang kanilang pa-”4D LOVE OF ‘De GAME” ay bukas para sa lahat ng couples na may edad 18 pataas, anuman ang kanilang kasarian.

Bukas din daw ito sa 30 lotto players na bibili ng tickets sa pamamagitan ng “PERMUTATION (PERM)” o “ROLL play.”

Courtesy: PCSO/FB