Muling naglabas ng opisyal na pahayag si Bacolod City Mayor Albee Benitez kaugnay ng kumalat na video clip kung saan makikitang tila magkasama raw sila ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi sa Japan trip.

Sa pinagpiyestahang video clip sa social media, makikitang parehong nakasuot daw ng puting damit sina Mayor Albee at Ivana. Si Ivana at nakasuot ng itim na sumbrero habang ang alkalde naman ay naka-face mask. Tila sila ay nasa airport.

Nakita rin umano sa nabanggit na video si "Eat Bulaga" host Joey De Leon at ang misis nito.

Napapatanong tuloy ang mga netizen kung magkakasama ba sila sa trip.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa opisyal na pahayag ng alkalde, nilinaw niyang business trip ang pinunta niya sa Japan. Pinabulaanan din niya ang mga ibinatong espekulasyon tungkol sa kanila ni Ivana.

"I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order."

"Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter."

"I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them."

"Maraming salamat po."

Kaugnay nito, naglabas na rin ng pahayag si Ivana sa pagkaka-link kay Mayor Albee.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, pumalag sa isyung umaaligid sa kaniya 

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

MAKI-BALITA: May resibo! Ivana at Mayor Albee naispatan daw sa Japan