Natatawang kinumpirma ni Ogie Diaz na may tumatawag na mga senador sa kanila upang makitsismis sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque, lalo't may kakabit na pangalan ng politiko ang nadawit dito.

Nadawit ang nabanggit na politiko dahil sa isyung nakapangalan daw dito ang high-end condominium unit na tinutuluyan ni Dominic.

Pagtatanggol naman ni Ogie, hindi talaga nakapangalan kay Dom ang condo dahil umuupa lang siya rito.

Anyway, nakakaloka ang ispluk ni Ogie na ilang senador daw ang nakikiusyoso talaga tungkol sa naganap na hiwalayan, kaya tama raw ang sinabi ni Cristy Fermin.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hindi lang daw senador ito kundi iba pang politiko.

'Mga ano rin sila, mga marites," sey ni Ogie.

"Sabi ko doon sa isang senador na kausap ko, 'Nakakaloka bakit pine-pressure mo ko, Sen?'"

Sagot daw ng senador, "Sige na kasi may group chat kami rito sa senado, kapag free time namin, bago kami sumalang, eh talagang nag-aano kami, nagtsitsismisan sa mga buhay-buhay ng artista..."

Hindi naman binanggit ni Ogie kung sino ang senador na kausap niya.