Nasagap daw ni Ogie Diaz na isa sa mga napagtalunan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang tungkol sa mismong kasal nila.

Habang nagdidiskusyon daw ang dalawa, hindi raw nagtugma ang mga gusto nila pagdating sa bilang ng mga iimbitahang guests.

Disclaimer ni Ogie, batay lang daw ito sa mga naririnig-rinig niya, at puwedeng nagkaroon na ng iba't ibang bersyon dahil sa salin-saling dila.

"Gusto raw ni Bea, magarbo, marangya, gano'n. Eh si Dominic daw, gusto niya pili lang mga invited nila, 'yong talagang mahahalaga lang sa buhay nila talaga. 'Yong naging bahagi ng kanilang journey. 'Yong mga dinaanan nilang mga tao bago sila makasal... gusto namin maging ninong at ninang eh 'yong mga successful ang married life, para kapag nagkaroon kami ng misunderstanding, miscommunication, or away, eh ang malalapitan namin 'yong mga ninong at ninang namin na through the years, sa kabila ng mga unos na dumating sa kanila, eh sila pa rin."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang kampo ni Bea o Dominic kaugnay nito.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque