Sa lahat ng memes na naglipana sa social media kaugnay ng kaniyang edad, mayroon daw isang nagmistulang “havey” at nagpatawa kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Sa panayam ng ilang entertainment media, ibinahagi ng apo ni Enrile na si Tiana Kocher na aware ang kaniyang lolo sa memes tungkol sa kaniyang edad dahil may group chat daw silang pamilya kung saan din nila pinagkakatuwaang i-send ang ilan sa mga ito.

Kuwento rin ni Kocher, bagama’t hindi raw maintindihan ni Enrile ang ibig sabihin ng ilang memes, mayroon naman daw isang nagustuhan talaga niya.

Enrile, aware daw sa memes tungkol sa kaniyang edad

Ito ay ang tungkol sa dinosaur na in-edit sa tabi niya para magmukhang nakasama niya itong mamuhay ilang taon na ang nakalilipas.

“The dinosaur one, he’s seen it and he’s just like: ‘hahaha’,” saad ni Kocher.

“He likes that one. He laughs at it,” dagdag pa niya.

Ipinanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan noong Pebrero 14, 1924, kung saan ipagdiriwang niya ang kaniyang ika-100 na kaarawan sa darating na Miyerkules, Pebrero 14, 2024.

MAKI-BALITA: Isang siglong Enrile

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/02/12/through-the-years-mga-pangulo-ng-pilipinas-na-naabutan-ni-juan-ponce-enrile/