Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng hapon, Pebrero 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:31 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 222 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 73 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang kanina lamang 8:34 ng umaga, isang magnitude 4.8 na lindol ang nagpayanig din sa Balut Island.