Hiniling na ng pamahalaan sa Japanese government na imbestigahan ang sunud-sunod na bomb threats sa ilang ahensya ng pamahalaan nitong Lunes, Pebrero 12, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Martes.

Ipinaliwanag ng Presidential Communications Office, gumagawa na ng hakbang ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang matukoy ang nasa likod ng insidente.

"Efforts are now on the way to request the Japanese government to investigate thoroughly and identify the sender,” sabi naman ng CICC.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Anim na ahensya ng gobyerno ang nakatanggap ng bomb threat nitong Pebrero 12.

Kabilang sa anim na ahensya ang Department of Education (DepEd)sa Bataan, Department of Environment and Natural Resources (DENR) main office sa Quezon City, Philippine Information Agency (PIA) central office sa Visayas Avenue; National Housing Authority (NHA) sa Elliptical Road; Commission on Higher Education (CHED) isa Diliman, pawang sa Quezon City; at Department of Science and Technology (DOST) sa Bicutan, Taguig City.  

Hindi rin nakaligtas sa naturang pagbabanta ang Iba local government sa Zambales.

Sinabi ng CICC, ang bomb threat ay nakapaloob umano sa email na nagmula pa sa Japan.

“There is no cause for alarm as this sender and email has been tagged as hoax,” anang CICC.

Matatandaang nakatanggap din ng kahalintulad na pagbabanta ang ilang ahensya rin ng pamahalaan noong 2023.