Mula mismo kay Kapuso Star Bea Alonzo ang kumpirmasyong hindi na matutuloy ang kasal nila ng ex-fiance na si Dominic Roque, matapos daw nilang mapagdesisyunang wakasan na ang kanilang engagement.

Hulyo 2023 nang mag-propose si Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas De Acuzar habang may photoshoot ng kaniyang endorsement si Bea.

Nito ngang Enero hanggang sa pagpasok ng Pebrero ay umugong ang tsikang nagkakalabuan ang dalawa.

Hanggang sa talakayin na rin ito sa "Ogie Diaz Showbiz Update" at ayon daw sa isang source ni Ogie, kumpirmadong hiwalay na ang celebrity couple. Ang siste, huling labas na raw ng dalawa together noong Japan trip nila.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pagkatapos, kinumpirma mismo ni Boy Abunda sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang tungkol sa hiwalayan.

Sa Instagram post ni Bea nitong Linggo, Pebrero 11, tila may pasaring siya sa ilang mga nagkumpirmang hiwalay na sila ni Dominic nang walang consent mula sa kanila.

"Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families," giit ni Bea.

Nakiusap naman si Bea na ihinto na ang paggawa ng mga kuwento at pagbabato ng masasakit na salita laban sa kanila ni Dominic.

Nakiusap din si Bea ng privacy mula sa lahat, habang nagna-navigate sila ni Dominic sa kanilang single life, “with respect, kindness, compassion, and dignity.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque