Ibinahagi ni Kapamilya star Daniel Padilla ang pinagkaabalahan niya noong mga panahong lumayo siya sa harap ng camera.

Sa ginanap na contract signing ni Daniel nitong Lunes, Pebrero 12, sinabi niyang namundok daw muna siya kasama ang kaniyang mga kapatid.

“Noong mga panahon na ang gugulo ninyo, ako ay nanahimik at namundok muna kasama ko ang mga kapatid ko,” kuwento ni Daniel.

“Diyos ko, I had the best time. Lumayo lang muna ako sa harap ng mga camera. [...]  You know, it’s work. I have friends in my work. But this is not my life,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa niya: “Malaki ang mundo ko sa labas din ng industriya. ‘Yon ‘yong nagpaparamdam sa akin na tao pa rin ako, e. At hinding-hindi ako pwedeng lumayo doon. “

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Daniel sa kaniyang mga kapatid dahil sobrang na-appreciate daw niya ang ibinigay na oras ng mga ito noong mga panahong namundok sila.

Bukod sa mga kapatid, pinasalamatan din ni Daniel ang kaniyang fans at ang ex-jowang si Kathryn Bernardo sa nasabing pagtitipon.

MAKI-BALITA: Sa kabila ng lahat: Daniel, pinasalamatan pa rin si Kathryn

MAKI-BALITA: Fans club nila ni Kathryn, wala raw makakatalo sey ni Daniel

Matatandaang Nobyembre noong nakaraan taon ay kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn