‘Hindi bale nang walang flowers?’

Pera ang regalong pinaka-love na matanggap ng mga Pilipino sa darating na Valentine’s Day, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa inilabas na survey ng SWS nitong Linggo, Pebrero 12, 16% daw ng mga Pinoy ang nagsabing pera ang pinakagusto nilang matanggap sa Araw ng mga Puso.

Pumangalawa naman daw sa top Valentine's Day gift wishes ng mga Pinoy ang “love” na may 11% at pumangatlo ang flowers na may 10%.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Sinundan ito ng apparel (9%), kahit anong regalo na nagmumula sa puso (5%), mobile phone (5%), relo at mga alahas (5%), at magandang relasyon sa pamilya (5%).

“More men wished for Apparel and Any gift from the heart, while more women wished for Money and Flowers. Both sexes wished for Love and companionship equally,” saad ng SWS.

Samantala, narito rin ang iba pang gift wishes na gusto raw matanggap ng mga Pinoy sa Pebrero 14:

  • Food at grocery items – 3%
  • Chocolate – 3%
  • Magandang kalusugan ng kanilang loved ones – 3%
  • Motorcyle at iba pang sasakya – 2%
  • Appliances – 2%
  • Greeting card o pagbati nang personal – 1%
  • Kiss – 1%
  • Anak – 1%
  • Bahay – 1%
  • Cake – 1%
  • Stuffed toy – 0.4%
  • Kasal – 0.3%
  • Alak – 0.3%
  • Perfume at cosmetics – 0.3%

Isinagawa ng SWS ang nasabing survey mula Disyembre 11 hanggang 13, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 mga Pinoy na nasa 18 pataas ang edad.