Nabigo ang mga mananaya na mapanalunan ang mahigit sa ₱115.7 milyong jackpot sa draw ng Ultra Lotto 6/58 nitong Pebrero 11.

Idinahilan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 01-29-51-45-40-57.

Umabot sa ₱115,708,499.60 ang premyo sa nasabing draw.

Tiniyak ng PCSO na madadagdagan pa ang magiging jackpot nito sa susunod na bola.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Nilinaw ng PCSO, huling napanalunan ang Ultra Lotto nitong Disyembre 29, 2023 kung saan isang taga-Albay ang nakapag-uwi ng ₱571 milyong jackpot makaraang mahulaan ang six digit winning combination.

Sa isa pang draw, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 jackpot na may winning combination na 40-08-49-46-42-30, katumbas ang premyong aabot sa ₱53,300,042.40.