Inamin ni Star Magic artist Gillian Vicencio na nagulat at nasorpresa siya na nakaladkad ang pangalan niya sa naging kontrobersiyal na hiwalayan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio nagsalita matapos madawit sa KathNiel break-up

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Gillian na nagulat talaga siya dahil hindi raw totoo ang mga tsikang may nangyari sa kanila ni DJ, kaya nasabi pa raw niyang "jutay" ito.

Inamin din ni Gillian na nagpadala siya ng mensahe kay Kathryn nang pumutok ang isyung ito, at pinabulaanan niya ang mga intrigang ito.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

"Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nag-message po ako sa kaniya," ani Gillian na ang tinutukoy ay si Kathryn. "Hindi pa po kasi kami nakakapagkita ulit ng personal."

MAKI-BALITA: Gillian Vicencio, kinuyog ng KathNiel fans

Huling nagkita sina Kathryn at Gillian sa media conference ng pelikulang "A Very Good Girl."

Game naman daw si Gillian na muling makasama sa proyekto ang KathNiel o kahit na sinuman sa kanilang dalawa kung magkakaroon ng pagkakataon.

MAKI-BALITA: Gillian, game pa ring makatrabaho sina Kathryn at Daniel

Aminado si Gillian na naapektuhan siya sa nabanggit na intriga lalo't domino effect ito sa kaniyang pamilya at mga kaibigan.

"I cannot control the minds of other people. At least I know myself and my truth," anang Gillian.

May upcoming projects si Gillian sa Kapamilya Network dahil makakasama siya sa Philippine adaptation ng "My Secretary Kim" na pagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.

Hindi pa sure kung matutuloy ba ang spin-off ng serye nila ni Yves Flores mula sa "2 Good 2 Be True," ang huling seryeng pinagbidahan ng KathNiel.