Ngayong paparating na Valentine’s Day, sweet na sinagot ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang katanungan ng netizens tungkol sa kanilang buhay at love story.

Sa isang vlog ni PBBM na inilabas nitong Linggo, Pebrero 11, isa sa mga tinanong sa unang ginang ay ang best quality ng pangulo.

“I always tell people, for someone so intelligent, you’re so kind, Bong. So patient, so mabait, always sees the good qualities in people, not a mean soul in your body, and I know you love the country,” sagot ni Liza.

“And God, the things you put up with, I don’t know how you do it. But idol, idol. I’m so proud of you also,” dagdag pa niya.

PBBM, FL Liza Marcos nagbahagi ng tips upang mapanatili 'healthy, long-lasting relationship'

“Sweet,” sagot naman ni PBBM sa kaniyang asawa.

Sa naturang vlog ay nagbahagi rin ang First Couple ng tips upang mapanatili ang isang healthy at long-lasting relationship.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-upload si PBBM ng isang Instagram story na naghihikayat sa netizens na magpadala ng mga katanungan tungkol sa kanilang mag-asawa para sa kaniyang Valentine’s Day vlog.

https://balita.net.ph/2024/02/08/pbbm-liza-marcos-ngayong-love-month-ask-us-anything/