Kahit hiwalay na ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay tila mananatiling matatag ang kanilang fans club.

Sa ginanap kasing contract signing ni Daniel sa ABS-CBN nitong Lunes, Pebrero 12, sinabi niyang wala raw makakatalo sa KathNiels.

“Lahatin ko na ang lahat ng KathNiels, maraming maraming salamat sa lahat ng taon na pagmamahal at pagsasama natin. Hinding-hindi mawawala sa puso ko at sa aking memories ang ating masasayang pinagsamahan,” pahayag ni Daniel.

“All good memories for me at walang-walang makakatalo doon sa mga memories na ‘yon. And for me, wala pa ring fans club na makakatalo sa KathNiels. Sorry, but it’s true,” dugtong pa niya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bukod sa fans, pinasalamatan din ni Daniel ang ex-jowa niyang si Kathryn sa kabila ng kinahantungan ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Sa kabila ng lahat: Daniel, pinasalamatan pa rin si Kathryn

Matatandaang Nobyembre noong nakaraan taon ay kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn