Hindi nagustuhan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang isang bahagi ng inilabas na pahayag ni Kapuso star Bea Alonzo tungkol sa nag-ispluk ng breakup nito kay Dominic Roque.
Sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong Lunes, Pebrero 12, sinabi ni Crisy na dapat ay inagapan daw nina Bea at Dominic na magsalita tungkol sa kalagayan ng kanilang relasyon.
“Kung bakit naman kasi pinatawing-tawing n’yo pa ang panahon. Tapos ngayon sisisihin n’yo na naman mga press people? Social media bashers na naman?” himutok ni Cristy.
Bagama’t hindi raw guilty, alam daw ni Cristy kung sino ang tinutukoy ni Bea sa nasabing pahayag.
Matatandaang bago pa man, kumpirmahin ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang hiwalayan ng dalawa, tinalakay na sa vlog ni showbiz insider Oige Diaz ang tungkol dito.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!
“Ako, ang aking sakop, ‘yong politiko. Sa politiko, ipaglalaban ko ‘yan. Kakantahan ko ng ‘Ipaglalaban Ko’ ‘yan hanggang sa dulo ng mundo,” depensa pa ni Cristy habang natatawa.
MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?
Dugtong pa ng showbiz columnist: “Pero para sisihin mo ‘yong mga tao na unang nagsalita tungkol sa hiwalayan, parang hindi yata maganda sa panlasa. Inunahan n’yo na dapat ‘yan. Inagapan ninyo para wala kayong sinisisi.”
Matatandaang sa pahayag na inilabas ni Bea nitong Linggo ay sinabi niyang may ilan umanong nagkumpirma ng kanilang breakup ni Dominic nang wala raw consent nilang dalawa.
MAKI-BALITA: Walang consent? Bea may pasaring sa mga nagkumpirma ng breakup nila ni Dominic