Sa papalapit na Valentine’s Day, inihayag ng Social Weather Stations (SWS) na unti-unti raw tumataas ang bilang ng mga single o walang love life sa paglipas ng mga taon.

Base sa inilabas na 2023 fourth quarter survey ng SWS nitong Linggo, Pebrero 11, 19% daw ng mga Pinoy ang nagsabing wala silang love life.

Higit na mataas daw ito kumpara sa datos na nakalap nila noong 2002 na mayroon lamang 10%.

Ipinakita rin ng SWS ang linya ng pagtaas ng bilang ng mga walang love life kada taon mula noong 2002 hanggang 2023.

Survey: 58% ng mga Pinoy, 'very happy' love life

Courtesy: SWS/FB screengrab

Samantala, lumabas din sa nasabing survey ng SWS na 58% naman daw ng mga Pinoy ang “very happy” sa kanilang mga love life, kung saan karamihan daw sa mga ito ay married na.

Isinagawa raw ng SWS ang nasabing survey mula Disyembre 11 hanggang 13, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 mga Pinoy na nasa 18 pataas ang edad.

https://balita.net.ph/2024/02/12/pera-pinaka-love-na-matanggap-ng-mga-pinoy-sa-valentines-day-survey/