Nagbigay ng latest update ang social media personality na si Xian Gaza tungkol kay Kapuso star Bea Alonzo.

Sa Facebook post ni Xian nitong Linggo, Pebrero 11, sinabi niyang may nakakita raw kay Bea sa Marina Bay Sands, palipat-lipat ng restaurants. Kumakain kasama ang pamilya.

“Bagsak na bagsak daw ang mukha. Makapal daw ang eyebags. Kawawa. Tinanong nila ako kung pipicturean daw ba para ma-post ko, sabi ko respetuhin natin yung privacy ng tao lalo na ngayon na may mabigat siyang pinagdadaanan,” kuwento ni Xian.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“‘Huwag mong picturean, videohan mo,’ wika ko. Hindi ko pwede i-upload yung video at hindi ko rin pwedeng ipasa sa iba at baka tamaan ako ng strict Singapore law,” aniya.

Sa huli, hiling ni Xian ang kabutihan para sa aktres: “Sana maka-recover na siya soon. Ang importante, hindi ko siya binash. God bless, Bea.”

Samantala, sa pamamagitan ng Instagram post, binasag ni Bea ang katahimikan kaugnay sa naging hiwalayan nila ni Dominic.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque

Matatandaang kinumpirma ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang hiwalayan nina Bea at Dominic noong Pebrero 6.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

In fact, isinauli na nga raw ni Bea kay Dominic ang engagement ring na ibinigay nito sa aktres.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque

Bago pa man ito, nauna nang iulat sa programa ni showbiz columnist Cristy Fermin na tila hindi na raw matutuloy pa ang kasal ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Napakatindi ng tensyon:’ Kasalang Bea-Dominic, ‘di raw matutuloy?