Nagbigay ng komento ang aktor na si Anthony Jennings kaugnay sa isyung nasasapawan daw nila ni Maris Racal ang “Can’t Buy Me Love” lead stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas sikat sa tambalang “DonBelle.”

Sa isang panayam na mapapanood sa Facebook page ng Pikapika noong Sabado, Pebrero 10, tinanong si Anthony tungkol sa bagay na ito.

“Sa akin kasi hindi ko naman binabasa lahat ‘yon, e. Para sa akin kasi, focus ka sa craft mo. Focus ka sa ginagawa mo,” saad ni Anthony.

“May mga naririnig akong nagsasabi sa akin ng ganoon. Para sa akin, sabi ko kay Dons [Donny], ‘wag mo nang pansinin ‘yon, tol.’ Kasi kami magkakaibigan talaga kami doon,” aniya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Dagdag pa niya: “Wala namang ganoon talaga sa amin, e. Siguro sila nagsasabi n’on. Pero sa amin, wala. Mahal namin ‘yong isa’t isa. Wala kaming ‘yong ganoon, ‘yong pakiramdam na mabigat sa isa’t isa.”

Saka sa proyektong gaya ng teleserye, ganoon naman daw talaga dapat. Collaborative. Hindi mabubuo ang isang kuwento kung isa lang ang gumagawa. Kailangang magtulungan para magkaroon daw ng mga ugnayan.

Matatandaang nagsimula ang “sapaw issue” matapos umani ng papuri sina Anthony at Maris sa kanilang mga eksena sa nasabing teleserye na pinangungunahan nina Donny at Belle.

Tinatawag nga ngayon ang tambalan nila ni Maris bilang "SnoRene," mula sa mga karakter nila sa CBML na "Snoop" at "Irene."

MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens