Binigyang-parangal ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang apat na sugatang sundalong nakipaglaban sa grupo ng Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) sa Lanao del Sur kamakailan.

Ito ay nang bisitahin ni Marcos ang mga nasabing sundalo habang nakaratay sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Lunes.

Ginawaran ni Marcos ng Gold Cross Medals at Military Merit Medals ang mga sugatang sundalo dahil sa malaking papel na ginampanan sa operasyon ng militar laban sa grupo ng mga terorista sa Barangay Tapurong, Piagapo, Lanao del Sur nitong Enero 25-26.

Sa naturang operasyon, napatay ng tropa ng pamahalaan ang siyam na miyembro ng DI-MG, kabilang ang umano'y mastermind sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi noong Disyembre 2023.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Si Marcos ay sinamahan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., at Army Chief Lt. Gen. Roy Galido sa paggawad ng award.

 

 

Betheena Unite