Bukod sa pagiging First Couple, tila eksperto rin sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa usaping pag-ibig.

Ganadong-ganado ang First Couple na ibahagi ang kanilang husay sa pagiging love guru sa nakaraang "Valentine's Day" vlog ng Pangulo kung saan ibinahagi rin nila ang sikreto upang mapanatili ang isang malusog at pangmatagalang relasyon na nararapat tularan ng bagong  henerasyon.

Sa siyam na minutong Valentine's Day special vlog ni Marcos na may temang "Ask Us Anything" kung saan special guest nito ang Unang Ginang, iniisa-isa nilang sinagot ang mga hindi inaasahang tanong ng mga netizen at mula sa online community.

Human-Interest

Guro sumakay ng tramline para makatawid sa rumaragasang ilog, makapasok sa paaralan

Tinanong si Marcos kung paano niya hinahati ang kanyang oras sa pagiging asawa at Pangulo ng bansa.

Ayon kay Marcos, naglalaan siya ng sapat na panahon sa asawa sa kabila ng siksik na schedule nito.

“Well, mahirap talaga ‘yung balanse dahil work takes up so much of our time. Well, hindi lang naman ako, pati si Liza, marami talagang ginagawa. So, we try to find five minutes here, twenty minutes there, we eat together,” ani Marcos.

“Basta’t whatever the schedule allows, we take full advantage of it,” aniya.

Tinanong din ang mag-asawa kung nagde-date pa sila. Ayon sa Unang Ginang, kung may pagkakataon ay kada Miyerkules ng gabi sila lumalabas at kumakain sa isang restaurant at pinag-uusapan ang mga nakatatawang bagay upang mabawasan ang stress.

Naitanong din sa dalawa ang tungkol sa kani-kanilang katangian, paaraan kung paano maipadama ang pagmamahal sa isa't isa at kung paano sila magbati pagkatapos mag-away o pagtatalo.

Ani Marcos, gusto nito kung paano inaalagaan ng Unang Ginang ang tatlong anak na sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander, Joseph Simon at William Vincent.

“She really, really, really takes care of us – the family, ako, at ‘yung tatlo naming anak. And she – hindi papayag si Liza na may problema, aayusin niya kaagad at you always know that she has your back,” pagdidiin ng Pangulo.

“Sweet,” kinikilig namang tugon ng Unang Ginang.

Sinabi ng Unang Ginang na kabilang sa nagustuhan nito sa Pangulo ang kanyang kabaitan, 'di makasariling pagmamahal at dedikasyon nito sa Pilipinas at sa taumbayan.

“I always tell people, for someone so intelligent, you’re so kind, Bong. So patient, so mabait, always sees the good qualities in people, not a mean soul in your body, and I know you love the country. And God, the thing you put up with, I don’t know how you do, but idol, idol. I’m so proud of you also,” aniya.

Para naman sa pagpapadama ng kanilang pagmamahal, madalas na naglaaan ng quality time ang First Couple, kasama na ang tawanan na kailangang-kailangan nila kapag nakakanakaw ng pahinga sa gitna ng hectic schedules.

“We just try – I suppose to be with each other as much as possible. And as I said earlier, snatch what little time there is in our – both our busy schedule to spend time with one another. It’s really time because it’s, of course, the most valuable thing of all,” singit naman ng Pangulo.

Nagiging malusog aniya ang kanilang pagsasama dahil sa pagkakaroon ng sense of humor at pagkakaroon ng positibong aspeto sa isang problema.

“Don’t let stress get you … Laugh whenever you can, be grateful for what you have, and we’re all blessed one way or another, just be grateful. You’ll never be perfect but just be grateful,” anang Unang Ginang.

“I suppose it's just direct communication. Don’t communicate through your phone. Talk to each other face-to-face. Don’t bother with social media when it comes to relationships. Talk to each other face-to-face, hold hands, go have dinner, walk down the beach, do something, but don’t do it digitally,” sabi naman ng Pangulo.

Bago natapos ang vlog, tinanong din ang Unang Ginang tungkol sa kanyang "first kiss."

“Wow, you’re talking 35 years ago, right?” at sinabing unang natikman nito ang halik ng Pangulo sa New York.

“Pumayag ka naman,” ani Marcos.

“Patay na patay sa akin,” buwelta naman ng Unang Ginang bago napatawa.

Ikaw, malusog din ba at pangmatagalan ang pagsasama ninyong mag-asawa?