Tila nasa mabuting kalagayan na ang award-winning actress na si Nadine Lustre batay sa naging sagot niya sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Sabado, Pebrero 10.

Sa ginanap kasing launch ng pinagbibidahan niyang suspense-action thriller series na “Roadkillers” ng VivaOne, nausisa si Nadine tungkol sa sunod-sunod na hiwalayan ng mga showbiz couple.

https://twitter.com/KikoEscuadro/status/1756129098068545764?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1756129098068545764%7Ctwgr%5Ef014e1333b36e91fc9fd73313d4247be821e27e1%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fnews-workbench-web.abs-cbn.com%2F%2Fworkspace%2Fmonitoring%3Fitem%3Durn%3Anewsml%3Anews-workbench-api.abs-cbn.com%3A2024-02-10T10%3A50%3A45.638870%3A045853ee-0b1f-4e6a-8677-9f606d9e21b4action%3Dedit

"I wanted to ask you... just answer if you want to answer, ha? Kasi ang dami kasing naghihiwalay sa showbiz now... kasi ikaw non-showbiz na ‘yong partner mo," usisa kay Nadine.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Natatawa naman siyang sumagot: "Okay na ako, guys. Hindi na ako kasali diyan. Okay na ako."

Matatandaan na dating naka-love team ni Nadine ang aktor na si James Reid at nakilala ang tambalan nila bilang JaDine.

Pero sa kasalukuyan, ang karelasyon na ni Nadine ay ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou at si Jame naman ay si Issa Pressman.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, unti-unti na nga bang ipinakikilala sa socmed ang rumored boyfriend?

MAKI-BALITA: Issa Pressman, may pa-‘soft launch’ kasama si James Reid; netizens, nanggigil?

Samantala, matapos kumpirmahin nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang hiwalayan, hiningan din si Nadine ng reaksiyon kaugnay dito.

MAKI-BALITA: Nadine, nag-react sa hiwalayan ng KathNiel