Kakabit ng intriga sa hiwalayan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay isyu tungkol sa tinutuluyang condominium unit at tunay na pinagkakakitaan ng huli, gayong hindi naman daw siya aktibo sa showbiz.

Unang sumambulat ang tungkol dito sa "Showbiz Now Na" ni Cristy Fermin, kung saan, nakarating daw sa kaniya ang ginawang pagpapaimbestiga ng kampo ni Bea kay Dominic tungkol sa kabuhayan nito.

Napag-alaman daw na ang condo unit na tinutuluyan nito ay pagmamay-ari ng isang kontrobersiyal na politiko.

May pabitin si Cristy na netizens na lang daw ang mag-isip kung ano ang koneksyon ni Dominic sa nabanggit na politiko, at bakit ito ang "boss" niya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dalawang bagay tuloy ang espekulasyon ng mga intrigerang marites: it's either may "gay benefactor" si Dom, o involved sa ilegal na gawain.

Sa latest episode naman ng "Ogie Diaz Showbiz Update," sinabi ni Ogie na kaya hindi nakapangalan kay Dominic ang condo unit na tinitirhan niya ay dahil nangungupahan lang siya rito.

Marami raw kasing nagtatanong kung paano niya naaafford manirahan sa ganoong klaseng high-end na condo unit gayong hindi nga naman daw siya aktibo sa showbiz.

Speaking of kabuhayan, sa mga nagtataas daw ng kilay sa kung ano ang pinagkakaabalahan ni Dominic, may sariling multimedia company o production house si Dominic na nagkokomisyon sa iba't ibang brand companies para gumawa ng AVP o audi-visual presentations.

Ang pangalan daw ng kompanya nito ay "Black Peak Media Productions" na malaki rin naman daw ang kinikita.

Pero sa dating at looks daw ni Dominic, hindi raw talaga maiiwasang maisipan siyang "namamakla" o may gay benefactor na nagsusustento sa kaniya, pero hindi naman daw ito bago sa showbiz at may mga kagaya rin ni Dominic na napag-isipan ng ganitong bagay.

Nang matanong ni Dyosa Pockoh kung wala ba talagang jowang bading si Dominic, sinabi ni Ogie na hindi niya masasagot iyan dahil hindi naman niya talaga makakalkal ang personal na buhay nito, pero ang mga tipo raw kasi nito ay sadyang lapitin talaga.

Huwag daw sanang madiscredit si Dominic dahil kumikita rin naman daw ito dahil sa endorsements, pero sa assets and properties daw ay talaga namang lamang na lamang si Bea. Huwag naman daw sanang uriin ang tao batay sa kaniyang yaman.

Isa pang source ang nakapagsabi kay Ogie na sa totoo lang daw, galante si Dominic pagdating kay Bea so it means to say, hindi rin naman daw si Bea ang gumagastos sa mga trip nila.

Para kay Ogie, may ego pa rin naman ang lalaki, at sure daw siyang aware si Dominic na pagdating sa status, mas angat sa kaniya si Bea kaya hindi naman daw siguro totoo ang tsikang ito. Kaya nga raw willing ang aktor na pumirma ng prenuptial agreement para lang patunayan sa pamilya ni Bea na hindi siya after sa yaman nito.

Ang Japan trip naman daw na huling travel nila together ay isang sponsored trip ng ineendorso nilang travel agency.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dominic at Bea patungkol sa kanilang hiwalayan issues.

MAKI-BALITA: Dominic nagmukmok sa condo; olats sa pakikipagbalikan kay Bea

MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?