Umani ng reaksiyon at komento sa social media ang tungkol sa 19-inch na waistline ni "Miss Zambales" na kalahok para sa lokal na pageant na kakatawan sa nalalapit na "Miss Universe Philippines 2024."

Ayon sa beauty pageant Facebook page na "Missosology," si Anita Rose Gomez na siyang nagwaging Miss Universe Philippines-Zambales 2024 ang nakapagtala ng "smallest waistline" sa tanang kasaysayan ng beau-con.

Kapansin-pansin kasing ang liit ng waistline nito pero naghuhumiyaw naman ang boobey, bagay na ikinaloka naman ng mga netizen.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Isa na nga raw siya sa mga inaabangang kandidata ng MUPH 2024.

"i've seen her perform in person, i.e. in BB Zambales 2023, and magaling siya --- qna and pasarela-wise"

"grabe ang liit ng waistline, sana all!"

"neng kumakain ka pa ba?"

"Sa iba yata napunta 'yong laki haha."

"Ay may kalulugaran si atih, sana mag-title."

"Ay for me parang hindi rin magandang tingnan na ganiyan kaliit ang beywang haha."

"Winner na 'to sa beywang and dibdib!"

Well, abangan na lang ang bakbakan ng mga kandidata sa MUPH 2024!