Nagbigay ng pahayag si Kapamilya star-vlogger Ivana Alawi matapos niyang maugnay kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Sa Facebook post ni Ivana nitong Sabado, Pebrero 10, sinubukan niya raw dedmahin ang nasabing isyu dahil sa paniniwalang hindi siya dapat magsalita lalo na kung wala naman daw talaga siyang ginagawang masama.

“But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay,” saad ni Ivana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito. HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez. I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan,” aniya.

Dagdag pa niya: “I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a Politician.”

Sa huli, umasa si Ivana na ang pagsasalita niyang ito ay makapagbigay ng kalinawan sa lahat at maging malinis ang kaniyang pangalan.

“Maraming salamat,” sabi pa niya.

Matatandaang nagsimulang lumutang ang nasabing isyu nang maispatan umano si Ivana sa Japan kasama ang alkalde.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

MAKI-BALITA: May resibo! Ivana at Mayor Albee naispatan daw sa Japan

Samantala, sa kaniyang Facebook page noong Pebrero 8, nagbigay din ng pahayag si Benitez hinggil dito para igalang ang privacy ng sangkot na tao at linawin na ang pakikipag-ugnayan daw niya sa iba’t ibang celebrities ay “inherent to the nature of the business.”