Naloka naman ang mga netizen sa sagot ni Kapamilya star Enrique Gil nang mausisa siya ng co-actor na si Pepe Herrera kung papayag ba siyang makuha niya ang gusto sa buhay pero maliit ang kaniyang pag-aari.

Sumalang sa isang lie detector drinking game sa ">YouTube channel ng Rec•Create ang apat na main cast ng "I Am Not Big Bird," ang comeback movie ni Enrique.

Bukod kay Pepe, kasama nila rito sina Red Ollero at Nikko Natividad.

"Payag ka makukuha mo lahat ng gusto mo sa buhay pero maliit t*ti mo?" tanong ni Pepe kay Enrique.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sagot ni Quen, "No! Happy naman ako sa buhay ko ngayon at kung anong meron ako eh. So, no."

Nakakaloka naman ang honesty ni Pepe dahil tila may inamin siya.

"Ako, payag ako, kasi maliit naman talaga t*ti ko eh," aniya.

Well, so it means Enrique, na daks ka?

Iyan ang abangan ng mga manonood sa February 14 dahil mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide.