Balitang-balitang simula raw nang maghiwalay at pumutok na ang tsikang hindi na nga matutuloy ang kasal nila ng fiancee na si Bea Alonzo, halos hindi na raw lumalabas ng condominium unit niya ang aktor na si Dominic Roque.

Itong condo unit na ito ay naiisyung pagmamay-ari daw ng isang kontrobersiyal na politiko, na naging dahilan daw kung bakit umurong na sa kasal si Bea.

May pa-imbestiga raw ang kampo ni Bea sa kung ano ba ang ikinabubuhay ni Dominic, samantalang hindi naman daw ito aktibo masyado sa showbiz.

Wala itong kinabibilangang serye o pelikula kaya nagtataka raw ang kampo ni Bea kung paano nito nasu-sustain ang pagbabayad sa condo unit at pag-travel nila ng kaniyang jowang kung tutuusin ay bilyonarya na.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya lumutang din ang isyung si Bea raw ang sumasagot sa lahat ng expenses nila abroad.

Anyway, ayon daw sa tsika ng showbiz writer na si Jun Lalin, itong si Dominic nga raw ay hindi na naglalalabas sa condo niya. Mega comfort naman ang mga malalapit na tao sa binata, nagtatanong lagi kung okay lang siya.

Nakipagkita pa raw si Dominic kay Bea para ayusin ang mga bagay-bagay, pero parang desidido na raw si Bea na huwag nang magpakasal sa fiance. Sa kasalukuyan, nasa Singapore si Bea kasama ang kaniyang pamilya para sa isang bakasyon.