Nagsalita na ang Kapuso star na si Bea Alonzo hinggil sa hiwalayan nila ng fiance na si Dominic Roque.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, sinabi ni Bea na mutual decision ang nangyari. Aniya, pareho daw nilang desisyong huwag nang ituloy ang enagagement kaya walang kasalang magaganap.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Ayon sa Instagram post ni Bea, hindi naging madali ang desisyon nila ni Dominic. Gusto raw sana nilang maging tahimik at ipanalangin ang kanilang desisyon subalit marami na raw lumutang na espekulasyon, tanong, at insulto laban sa kanilang dalawa.

May tinukoy rin si Bea na tila may ilan daw na nagkumpirma sa kanilang break-up na hindi man lang daw kumuha ng consent mula sa kanila. May ilan ding gumawa ng "ridiculuous stories" na walang basehan at sumisira sa kanilang pangalan, kaya nagpasya na si Bea na mag-post ng anunsyo tungkol sa break-up. Gusto na raw nilang matahimik gayundin ang kanilang mga pamilya na nadadamay na sa isyu.

Nakiusap naman si Bea na ihinto na ang paggawa ng mga kuwento at pagbabato ng masasakit na salita laban sa kanila ni Dominic.

Nakiusap din si Bea ng privacy mula sa lahat, habang nagna-navigate sila ni Dominic sa kanilang single life, "with respect, kindness, compassion, and dignity.