Problemado ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu batay sa Facebook reels na ibinahagi ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.

Sa nasabi kasing video, makikitang hindi makalabas si Kim sa lobby ng ABS-CBN dahil tila may problema ang card na ipinapasok niya sa entrance and exit machine.

“Gusto ko nang umuwi,” pabirong maktol ni Kim na ikinatawa naman nina MJ at ng kaniyang co-host na si Amy Perez.

Naaliw at na-cute-an naman ang mga netizen sa video na ibinahagi ni MJ kung saan tampok si Kim. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Super bubbly kim i like her 🥰🥰🥰”

“ang cute ni kim lalo na pag nagsasalita💖💖💖💖”

“Kim, you're so cute & funny. I really like u.”

“She's so cute, i like her 🥰🥰”

“SA ABS-CBN may batas, bawal lumabas oh bawal lumabas.🤣🤣”

“Super cute talaga ni Kim💚”

Pero kalaunan ay nagbigay naman ng update si MJ at sinabing nakalabas na si Kim matapos ang naranasang aberya. 

Biniro pa niya na hihintayin daw niyang sumalang si Kim sa segment ng “Showtime” na “EXpecially For You.”

MAKI-BALITA: Kim Chiu, sasalang sa ‘EXpecially For You?’

Matatandaang tila naging trademark na ni Kim ang katagang “Bawal Lumabas” matapos niyang magbigay ng magulong statement kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN. Nakatanggap ng matinding okray mula sa mga netizen, na eventually ay ginawa na lang niyang kanta. 

MAKI-BALITA: Kim Chiu, muling nagpaalala sa publiko: ‘Bawal lumabas!’