Mukhang nagkakamabutihan na talaga sina "Black Rider" star Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte batay sa kaniyang latest Instagram stories.

Sa serye ng kaniyang Instagram stories ay makikitang nasa Camarines Sur si Yassi at suportado ang mga ginagawa ng gobernador sa kaniyang nasasakupan.

Makikita rin ito sa kaniyang Instagram post.

"mabalos sa pagpadangat sako at sa pagpapadangat nindo sa padangat ko 🫶🏻," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinida rin ni Yassi ang bonding nila sa golf.

Makikita rin ang ilang photos ng dalawa habang obvious na nasa romantic level na kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa, lalo na ang paghalik-halik sa kaniya ng gobernador.

Photo courtesy: Yassi Pressman (IG)

Photo courtesy: Yassi Pressman (IG)

Photo courtesy: Yassi Pressman (IG)

Photo courtesy: Yassi Pressman (IG)

May pa-quote pa nga si Yassi matapos niyang ibahagi ang isang art card.

Mababasa rito, "Men who provide emotional security & display wise leadership will get the softest, most feminine, relaxed, trusting, 'guard down,' submissive, nurturing version of their woman.

Photo courtesy: Yassi Pressman (IG)

Naka-tag ito sa Instagram account ni Villafuerte.

Nagsimulang maugnay ang dalawa noong Agosto 2023 matapos silang maispatang magkasama.

Kumalat pa ang mga larawan ni Villafuerte na tinaniman niya ng halik sa pisngi si Pressman at nakahawak pa ang isa niyang kamay sa binti ng aktres.

Ito ay matapos makumpirmang hiwalay na sila ng ex-boyfriend na si Jon Semira.

"10 years na kaming magkakilala and now, we are just spending time together, and getting to know each other more,” aniya sa panayam ng "24 Oras."

MAKI-BALITA: Yassi may nilinaw sa ugnayan nila ni CamSur Gov. Villafuerte