Sumalang ang singer-actor na si Mark Bautista sa latest vlog ni ABS-CBN broadcast-journalist Karen Davila noong Huwebes, Pebrero 8.

Sa isang bahagi ng panayam, nausisa ni Karen kay Mark ang tungkol sa posibilidad ng pag-aasawa at pag-aanak balang-araw.

“Ngayon kasi na-realize ko, ‘Shocks, kung tatanda ako sinong maiiwan dito? Saan ko ibibigay ‘yong pinaghirapan ko or something? Or sinong mag-aalaga sa akin, basically?’” saad ni Mark.

“Naisip ko rin, dapat siguro may kasama ako or may anak or something,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bago pa man kasi ito, naitanong na rin ni Karen kung may mga investment na rin bang nagawa si Mark dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na ang luhong ibinigay ng showbiz ay hindi naman panghabang-buhay.

“O, yeah. Noong nag-umpisa ako, nag-purchase na ako ng isang commercial lot. Ngayon ginagawa ko siyang commercial space. Pina-rent ko siya. Sa Cagayan De Oro,” kuwento ni Mark.

“Noong pandemic, doon ko na ipinatayo ‘yong bagong parang commercial building. Commercial building na may bahay sa taas na ‘pag umuwi ako doon ako mag-stay,” saad niya.

Dagdag pa niya: “Then ‘yong business, so ‘yong name ng coffee shop is Hulak. First concept, si Mama gusto niya ng convenience store or something. Hanggang sa nag-end kami sa isang coffee shop na concept.”

Matatandaang inamin ni Mark na siya ay bisexual sa kaniyang librong “Beyond The Mark” na inilunsad noong 2018.