Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa isang TikTok video kung saan makikita ang isang lalaking nagtutulak ng kaniyang kariton, at sa loob nito ay kasa-kasama niya ang mga alagang aso, pusa, at manok.

Sa ulat ng Manila Bulletin, ang nabanggit na TikTok video ay inupload ng isang netizen na may TikTok username na "izrm" kung saan naispatan niya ang lalaking nagtutulak ng kariton kasama ang mga alagang hayop, sa kahabaan ng Alabang.

Bumaha naman ng iba't ibang reaksiyon at komento ang nabanggit na video mula sa mga netizen.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

"Wow! It's so touching! Thank you so much for your loving-kindness!"

"Please kind-hearted people please support food for his pets. They deserve to live."

"He's an animal lover, his family.. may God bless you para mapakain mo mga alaga mo tatay."

"This man is very kind to the dogs. Sana marami ang tumulong sa kaniya, magastos kasi ang mag-alaga ng aso lalo pag nag kasakit."

"Sana lang maalagaan nya ng maayos kasi nakita rin namin sila sa kabilang kalye halos d na makagalaw yung 3 dogs..but hope safe yung mga pets...dont bash me im just saying lang po and nag rerescue din po ako...🥰🥰🥰."

Samantala, wala pang update kung natunton na ba ng uploader ang nabanggit na lalaki para sana maabutan ng tulong pinansiyal para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang mga alagang hayop.