Hot topic sa episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" kamakailan ang pagkakaugnay ni Kapamilya actress-vlogger Ivana Alawi kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Nagsimula daw ito sa isang tsikang naispatan ang alkalde ng Bacolod na nasa Japan kasama ang isang sikat na sexy actress.

Ang lumulutang daw na pangalan ay si Ivana Alawi.

Matatandaang nasabi na ni Ivana na may non-showbiz boyfriend siya, subalit hindi na siya nagbigay pa ng anumang detalye kaugnay nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kumakalat naman ngayon ang isang video clip kung saan namataan daw silang dalawa habang nasa Japan.

Sa ulat ng "Fashion Pulis," makikitang parehong nakasuot daw ng puting damit sina Mayor Albee at Ivana. Si Ivana at nakasuot ng itim na sumbrero habang ang alkalde naman ay naka-face mask. Tila sila ay nasa airport.

Nakita rin umano sa nabanggit na video si "Eat Bulaga" host Joey De Leon at ang misis nito.

Napapatanong tuloy ang mga netizen kung magkakasama ba sila sa trip.

MAKI-BALITA: May resibo! Ivana at Mayor Albee naispatan daw sa Japan

Nauna nang itinanggi ni Mayor Albee ang tungkol sa pagkaka-link niya kay Ivana, ayon na rin sa naibalita ni Ogie Diaz sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez

"As for recent personal matters, I kindly request understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved. In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business. At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City," anang alkalde.

Samantala, nag-post naman si Ivana sa kaniyang Instagram na subtle way na sagot sa mga intriga.

"I can buy myself flowers 🌸," aniya.

Sa kaniyang Instagram story naman, ibinahagi ni Ivana ang isang art card kung saan mababasa ang quote na "A Clear Conscience Laughs at a False Accusation."

Photo courtesy: Ivana Alawi (IG)