HINDI LANG ISA, KUNDI DALAWA!

Muli na namang napanalunan ang jackpot prize ng Lotto 6/42 nitong Huwebes, Pebrero 8, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Paghahatian ng dalawang lucky winner ang jackpot prize na  ₱5,940,000 matapos nilang mahulaan ang winning numbers na 27-02-20-22-23-10.

Sila ang ikatlong nanalo ngayong buwan at sila rin ang ikatlong mag-uuwi ng jackpot prize ng Lotto 6/42.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Matatandaang unang napanalunan ng taga-Quezon ang 6/42 noong Pebrero 1.

Maki-Balita: Unang nanalo sa lotto ngayong Pebrero, taga-Quezon!

Sumunod naman ay nabingwit ito ng taga-Negros Occidental nito lamang Martes, Pebrero 6.

Maki-Balita: Ikalawang lotto winner ngayong Pebrero, taga-Negros Occidental

Ang tanong, mapapanalunan kaya ulit ang Lotto 6/42 sa Sabado?

Ang naturang lotto game ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.