Sa nalalapit na Araw ng mga Puso, may love advice si Senador Bong Revilla para sa mga may karelasyon.

Sa ulat ng Manila Bulletin, naibahagi ng senador na excited siyang i-celebrate ang Valentine's Day kasama ang kaniyang pamilya.

“Mayroon nang inihahanda ang aking maybahay, si Lani [Mercado], with the whole family, doon kami. ‘Yung mga kapatid ko, ‘yung mga anak ko, mga asawa-asawa nila. Sama-sama kami sa bahay lang. Mag-iihaw-ihaw kami doon,” saad ni Revilla.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglabas din ng panghihinayang si Revilla tungkol sa mga napabalitang hiwalayan ng ilang mga sikat na showbiz couples.

“Nakapanghihinayang siyempre. Nag-invest sila ng oras para sa relasyon na ‘yon, taon, minsan 10 years, 20 years, tapos masasayang lang, magbe-break lang sila. Sayang naman ‘yong panahon," anang senador.

Kaya sinabi niya na importante raw ang "tiwala" sa isang relasyon.

“Ang importante kasi sa relasyon, pagkatiwalaan ‘yung isa’t isa. Huwag ‘yung simpleng selos ay hahayaan mo nang masira ‘yung relasyon. Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa, importante ‘yung tiwala.

"Hangga’t maaari, kung may problema, pag-usapan, huwag tulugan, tapusin n’yo the same night," dagdag pa niya.

Mapapanood si Revilla sa season 2 ng action-comedy series ng GMA na "Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis."