Dahil nadawit na naman daw ang pangalan niya, may sey si Lolit Solis tungkol sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Matatandaang kinumpirma ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang hiwalayan ng dalawa nitong Martes, Pebrero 6.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

KAUGNAY NA BALITA: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

KAUGNAY NA BALITA: Prenup, hindi raw issue kay Dominic sey ni Tito Boy

So ito na nga, sinabi ni Lolit na hindi raw kasalanan ni Bea kung hindi nagtatagal ang mga relasyon niya.

"Talagang ako na ang sawsawera ng taon ha, dahil kahit anong issue lagi nakakabit ang name ko. Kaloka talaga. Pero isang bagay masasabi ko, kundi nagtatagal mga relasyon ni Bea Alonzo hindi niya kasalanan iyon," sabi ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Pebrero 8.

"Sabi nga it takes 2 to tango, imposible isa lang ang may issue, sure na dalawa kayo na hindi nagkasundo. Pag hindi naging mapagbigay iyon isa, tiyak na hindi nga magtatagal. Dapat talaga meron isa na medyo mas magbibigay para maayos ang problema, hindi puwede iyon sabay kayo sa emotional heat of the moment. Dapat talaga isa ang medyo magbaba ng pride, o huwag ng sumabay sa init ng ulo ng isa," dagdag pa niya.

Kaya mahalaga raw talaga ang "communication" sa isang relasyon para hindi raw magkaroon ng problema. Naniniwala rin si Lolit na makikita pa rin ni Bea ang taong babagay para sa kaniya.

"Kaya naman kay Bea Alonzo sure ako na makikita pa rin niya ang partner na babagay sa kanya, at talagang magmamahal ng lahat sa kanya, unconditional, kahit ano pa siya. Basta itanong niyang mabuti sa sarili niya, ano ba talaga ang gusto niya at hinahanap niya, at pag nasagot niya, hayun na, makikita na niya ang mailap na ligaya na hanap niya. Promise Salve at Gorgy, sure ako," anang showbiz columnist.

Tila tuluyan na ngang lumambot ang puso ni Manay Lolit sa Kapuso actress.

Matatandaang dumating ang moment na halos araw-araw birahin ni Lolit sa kaniyang Instagram posts si Bea matapos siyang hindi maimbitahan umano sa media conference ng kaniyang beauty product endorsement. Kagagawan umano ito ng manager ni Bea na si Shirley Kuan.

Ngunit matapos magsalita ni Shirley laban kay Lolit ay nanahimik na ang huli at ipinangako niyang hindi na magsasalita o magsusulat pa ng negative news tungkol sa aktres.

MAKI-BALITA: ‘Tumiklop?’ Lolit Solis, biglang kambyo: nag-sorry kay Bea Alonzo

MAKI-BALITA: Matapos buweltahan, Manay Lolit Solis, pinuri ang ‘mahusay’ na manager ni Bea Alonzo

Noong Nobyembre 25, 2023, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas nina Lolit at Bea.

Si Lolit umano ang unang lumapit kay Bea at humingi ng sorry.

MAKI-BALITA: Lolit Solis hinarap si Bea Alonzo sa isang party