Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:28 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-silagan ng Cortes, Surigao del Sur, na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

PBBM, di ginawang caretaker ng Pinas si VP Sara: 'She's not part of admin anymore!'

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.