Usap-usapan ang pasabog ni Cristy Fermin sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Now Na" kasama ang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

How true ang chikang natuklasan daw ng kampo ni Bea Alonzo na ang condominium unit na tinutuluyan ng fiance na si Dominic Roque ay pagmamay-ari daw ng isang kontrobersiyal na politiko?

Take note, politiko ang term ni Cristy na nangangahulugan daw na lalaki ito.

Pinaimbestigahan daw ng pamilya ni Bea kung ano ba talaga ang trabaho ni Dominic dahil daw nakakaya nitong tumira sa isang "super-pangmayamang condo unit."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Ang sabi meron siyang business, tapos nakatira siya sa isang super pangmayamang condo... at ang condo unit na tinitirhan nitong si Dominic ay nakapangalan sa isang napakakontrobersiyal na politiko. Politiko ang sinabi ko, lalaki ha, lalaking politiko. Ngayon, kapag tinrace natin bakit nakapangalan doon sa politiko 'yong unit, at bakit siya ang boss ni Dominic, kayo na po ang bahalang humusga, kung ano ang nababalitaan ninyo tungkol doon sa politiko at kaniyang mga kaibigan...

Bukod dito, lumabas din ang mga haka-haka raw na baka usaping pera ang pinag-ugatan ng paghihiwalay ng dalawa. Nakarating daw sa kanilang kaalaman na bagama't sinasabing hati o share sila sa gastos sa mga trip nila abroad, hindi raw totoo iyon dahil si Bea daw ang nagbo-book ng kanilang trip.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Bea at Dominic kaugnay nito.