Tila nakarating na sa kaalaman ni Kapuso actress Carla Abellana ang katakot-takot na pintas at okray na natanggap niya sa ilang branded na pre-loved items na pinost niya online para ipagbenta na.

Reklamo kasi ng mga netizen, bukod sa parang marurumi na raw, mukhang luma at hindi na mapapakinabangan ang mga ito, na hindi na raw makatarungan sa presyuhan pa ng aktres.

Mas magaganda at malilinis pa raw tingnan ang mga paninda sa ukay-ukay kaysa sa kaniyang pre-loved items na dinidispatsa na.

May mga nagmungkahi pa nga sa kaniyang ibenta niya na lang ang items sa vlogger na si Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstar" at baka sakaling patusin nito ang mga pinaglumaan niyang gamit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kaniyang Threads account, tila bumanat si Carla sa mga "mean people."

"People can be so mean. So mean," aniya.

Photo courtesy: Carla Abellana (Threads)

Palag naman ng mga netizen, wala naman daw masama sa pagbebenta ng pre-loved items basta't aayusin at lilinisin muna ito bago i-post sa social media upang hindi maunahan ng pintas.

MAKI-BALITA: Dugyot nga ba? Ibinebentang pre-loved items ni Carla Abellana, pinintasan

MAKI-BALITA: Kung di gagawing ukay-ukay: Carla pinayuhang magbenta kay Boss Toyo