
(Manila Bulletin File Photo)
Sino kaya susunod na winner? Mahigit ₱100M Ultra lotto jackpot, tataas pa!
Sino kaya ang susunod na mananalo ng mahigit ₱100 milyong jackpot sa nakatakdang bola ng Ultra Lotto 6/58 draw sa Biyernes?
Ito ay nang hindi napanalunan ang ₱101.7 milyong jackpot sa nakaraang draw nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Nabigo ang mga mananaya na hulaan ang six-digit winning combination na 11-20-53-50-19-55.
Dahil dito, inaasahan na ng PCSO na tataas pa ang magiging premyo nito.
Huling tinamaan ang jackpot ng Ultra Lotto nitong Disyembre 29, 2023 nang mahulaan ng isang mananayang taga-Albay ang winning combination na 19-35-25-42-58-05.
Nasa ₱571 milyon ang premyo sa nasabing lotto draw, ayon pa sa ahensya.