Kasalukuyang inookray ng mga netizen ang aktor na si Dominic Roque matapos kumpirmahin ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang hiwalayan nila ng fiancé nitong si Bea Alonzo.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

Matatandaan kasing nausisa si Dominic kamakailan kung imbitado raw ba ang ex-celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal nila ni Bea. 

Pero ang sagot ni Dominic, si Kathryn lang daw ang makakadalo at hindi si Daniel dahil hindi pa raw naaayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa. 

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

MAKI-BALITA: Pupunta si Kathryn: Daniel, di invited sa kasal nina Dominic at Bea

Kaya narito ang samu’t saring reaksiyon ng mga netizen sa X kaugnay sa naging sagot ni Dominic sa nasabing panayam:

“JUST IN: Magkaibigang Daniel Padilla at Dominic Roque, namataang hindi parehong invited sa kasal ni Bea Alonzo.”

“Sure ako tatawa-tawa tong si Daniel Padilla over that statement from Dominic Roque. Naka-1 point si Kenji Delos Reyes! 🥴😂”

“Hindi daw ininvite si Daniel Padilla sa kasal ni Dominic Roque kay Manang Bea Alonzo. Ayan tuloy walang kasalang magaganap. Juts ka din ba si Dom?”

“sabi ni dominic di invited si Daniel sa kasal nila ni bea eh di din pala siya invited eh ahhahaha”

“Ayaw kase iinvite ni dom si daniel sa kasal nila ni bea ayan di tuloy natuloy 😂”

Matatandaang noong 2021 ay umugong ang balitang nagkasamaan ng loob ang dalawa na humantong pa sa pag-unfollow kay Dominic ng ina ni Daniel na si Karla Estrada.

MAKI-BALITA: Nag-unfollow sa isa’t isa! Daniel at Dominic, may bangayan nga ba?