Napanalunan ng lone bettor ang jackpot prize ng Lotto 6/42 nitong Martes ng gabi, Pebrero 6, na siyang ikalawang lucky winner ngayong buwan.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 27-23-31-20-14-28 na may kaakibat na ₱7,341,411.40 jackpot prize.

Gayunman, habang isinusulat ito, wala pang detalye kung saan nabili ang winning ticket.

Upang makubra ang premyo, magdala lamang ng dalawang valid IDs at tumungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Matatandaang taga-Quezon ang kauna-unahang instant millionaire ngayong buwan. Matagumpay niyang maiuuwi ang ₱5,940,000 premyo ng Lotto 6/42 na binola noong Huwebes ng gabi, Pebrero 1

Maki-Balita: Unang nanalo sa lotto ngayong Pebrero, taga-Quezon!