Isiniwalat ni heartthrob actor Aga Muhlach ang muntik nang kahantungang career ng kaniyang kambal na sina Andres Muhlach at Atasha Muhlach.

Sa latest episode kasi ng vlog ni TV host-actor Luis Manzano nitong Martes, Pebrero 6, napag-usapan nila ni Aga ang tungkol sa kambal nito.

“Para sa kaalaman ng lahat, noong nakita ko si Tito Aga natuwa ako. ‘Tito Aga ‘yan! Pumupunta ako sa bahay niyan dati.’ Pero na-realize ko, wala akong kuwentang ninong,” saad ni Luis.

“Wala akong kakuwenta-kuwentang ninong. Bakit? Ninong ako ng twins ni Kuya Ags pero ni minsan wala silang naramdaman mula sa akin,“ natatawang wika niya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

“Hindi, hindi,” saway ni Aga, “alam mo ‘yong mga anak ko—si Andres at si Atasha—‘di ko naman ine-expect ‘yong regalo kasi nanay mo naman si Vilma ‘di ba.”

Natawa tuloy si Luis sa sinabi ni Aga. 

“Biro lang po, biro lang,” sabi pa ng huli. “Alam mo, muntik nang mag-pari anak ko at muntik nang mag-madre ‘yong babae ko. “

‘Yon ang nakuha nila sa akin,” wika naman ni Luis.

“Sobrang bait nito. Para ‘tong anghel,” sey ni Aga na ang tinutukoy ay ang TV host-actor.

“Doon n’yo malalaman na talagang ka-close kami ni Tito Aga,” dugtong pa ni Luis.

Pero sa kasalukuyan, showbiz world daw ang planong pasukin ng kambal ni Aga. In fact, nasa “Eat Bulaga” na si Atasha at pinupuri pa nga ng marami dahil sa maganda nitong performance sa nasabing noontime show.

MAKI-BALITA: Atasha Muhlach, bagong Dabarkads

Samantala, ang lalaki naman niyang si Andres ay pinag-aagawan nina Ryzza Mae Dizon ng “Eat Bulaga” at Vice Ganda ng “It’s Showtime.” 

MAKI-BALITA: Andres Muhlach pinag-aagawan nina Ryzza Mae Dizon, Vice Ganda