Napanalunan ng lone bettor mula sa Negros Occidental ang jackpot prize ng Lotto 6/42 nitong Martes ng gabi, Pebrero 6, na siyang ikalawang lucky winner ngayong buwan.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 27-23-31-20-14-28 na may kaakibat na ₱7,341,411.40 jackpot prize.

Maki-Balita: May nanalo ulit! Lone bettor, panalo ng ₱7.3M sa lotto

Upang makubra ang premyo, magdala lamang ng dalawang valid IDs at tumungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Matatandaang taga-Quezon ang kauna-unahang instant millionaire ngayong buwan. Matagumpay niyang maiuuwi ang ₱5,940,000 premyo ng Lotto 6/42 na binola noong Huwebes ng gabi, Pebrero 1.

Maki-Balita: Unang nanalo sa lotto ngayong Pebrero, taga-Quezon!